Monday, February 13, 2006

Happy Valentines! *sarcasm involved*

What's the big deal nga ba pag Valentines?!

Wala.. nagbibigayan ng mga bulaklak at tsokolate o kung anu-ano pang bagay, anjan din ung may nanghaharana, at nagpro-propose, at syempre ang mga pagpunta-punta ng ibang mga magkasintahan sa mga Hotel-Motor Inn o in short--MOTEL..

Hindi naman ito actually tungkol sa motel.. hindi ko lang sinasadyang masama ang panghuling deskripsyon ko ng Valentines.. Ewan ko.. hindi naman kasi kailangan na sa Valentines mo lang ipahayag o i-express ang nilalaman ng puso mo di'ba? Kahit ibang araw maparamdam mo lang na special siya.. that's okei na..

What's so special with Feb. 14 being a Valentine's Day and all? It's just a day... actually, it's a Tribute-for-St. Valentine Day am I right or am I right? Oo nga't siya ang patron saint ng Love..pero madalas kasing i-akma ang araw na ito sa pagpapahayag ng kanilang pag-ibig.. argh.. ang MUSHY!!

Hindi naman sa ayoko ng Mushy.. ayoko lang talaga ng pakiramdam na iyon.. parang ang sweet-sweet.. eww... parang langgam na ewan..argh!!! Siguro nga'y kahit papano eh me konting inggit akong nararamdaman... PERO KONTI LANG YON!!! (hindi ako defensive sa lagay na nagagalit na ako..siguro na-miss ko lang ang mga times na kinilig ako pero not to the point na ang SUPER-TACKY at CORNY at sobrang MUSHY na ang pakiramdam.. Besides, sa isang tao lang naman ako naging mushy ah.. at hindi ito ung tipong super mushy..dahil seryoso akong--minahal ko at mahal ko parin kahit papano itong taong ito..At syempre kilala na ng lahat ang taong tinutukoy ko.. sino pa kung 'di si JES...

Kung sa palagay niyong tutungo na naman ito tungkol kay Jester, eh.. ewan ko.. bahala na.. Hindi ko alam kung bakit kasi hanggang ngayon.. andito pa rin akong naghihintay.. Parang kung tutuusin, sinumpa ko na ung sarili ko na wala nang iibigin pa kung hindi siya lang... Waaaah ang hirap naman ata nun.. ung tipo bang hindi na makakakalas..? Naalala ko nga ung kanta ng Sponge Cola e...ung UNA..eto pa nga yung line na yon eh..

walang maitutulad sa sumpang iyong nilikha,
putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
sa pag-akit at 'di paglapit
nananalangin at umaasang...

Ewan ko nga ba..Nawa'y mawala ang sumpa.. hehe:D






HAPPY VALENTINES!
na lang sa mga couples out there.. maghahanap na rin ako.. wag keo mag-alala!! hahaha (with sarcasm involved..)
hehehehe:)
call me bad.. I just feel that way!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home