Nostalgic Feeling all ArOund
wala lang..gusto ko lang mag-post.. matagal-tagal na rin akong hindi na-kapag-post dito eh..
May napanood kasi ako sa aming telebisyon--ung ke Anne Curtis ba at ke Luis Manzano sa ABS-CBN.. un ba ung nung sinabi ni Anne Curtis na "mahal ko talaga si (name of her ex daw!) tapos sagot naman ni Luis Manzano, "ano bang meron siya na wala ako?".. Naging "nostalgic" ung pakiramdam ko..ewan ko.. hehe.. kasi ganoon ung nangyari sa'kin eh.. nung mambasted ako hehehehehe.. parang gusto mong ibalik ung tanong sa lalake, kung gusto niya nga ba malaman kung ano ang meron ung lalakeng mahal mo na wala sya..eh kung sagutin mo naman iyon, ubod ka naman ng sama..parang sasabihin ng iba--"that's harsh"... harsh nga kung harsh.. nagtanong eh.. kaya lang xempre.. to play it safe, ika nga nila... wag mo na lang sagutin, bagkus ay sabihin na mas mabuti pang maging kaibigan na lang kayo.. Binasted na nga eh, tatadtarin pa ng mga meron ung lalaking mahal mo, na wala siya..tsk,tsk,tsk...Wag na kasing dagdagan pa... nakakaawa na..
Ilan pa sa mga nakapagpa-Nostalgic ng aking pakiramdam ay ang kanta ng Blue na If You Come Back--iyon kasi ung tinutugtog noon nung una kaming nag-usap sa telepono ng aking ex-boyfriend-three-days (RK ang pangalan). Naaalala ko pa nga noon na sobrang kilig ako nung tumawag siya sa telepono. Nung sinagot ko ung telepono, nag"sandali lang ha" pa ako, para lang magtatalon at magsisigaw sa loob ng banyo (wala akong ginawa okei?!) Tumakbo lang ako at nagtatalon sa labis na kasiyahan!!! At pagkatapos nga noon, kinausap ko na siya.. Haaay.. hindi niyo lang alam kung gaano ko kasaya noong mga panahon na iyon...Siya'y aking childhood crush noong grade5 pa ako.. sobra hanggang first year.. until na maging kami nga.. Nagtagal ang aming unang pag-uusap ng mahigit dalawang oras--oras na matutulog na ako! Oo nga't three days, pero hindi ko ito ikinakahiya.. naman, maging kayo ba naman kahit pansamantala lamang ng iyong pinaka-crush-mula-noong-gradeschool eh hindi ka ba naman noon matutuwa?... :)