Monday, March 06, 2006

Daddy, Sorry...

Sa tuwing iisipin kong nawala ko ang BIBLIYA ng aking AMA, takot at kaba ang aking nararamdman... Hindi sa dahil papagalitan ako ng tatay ko... (well, pagagalitan nga talaga ko) kung hindi dahil sa tiwala niya sakin na saking palagay ay biglang mawawala, sa oras na sabihin ko ito sa kanya... Hindi ko naman talaga sinasadyang mawala ang bible na iyon. Alam kong mahalagang-mahalaga iyon sa aking ama, ngunit ng dahil lang sa LETCHENG, PUTANG-INANG stress na iyan, nawala nang lahat--ang gamit ko(notebook), xerox copy ni KIZIA, at ang pinakamahalagang gamit ni daddy, ang BIBLIYA...

Matapos kong ma-realize na nawala ko ang BIBLIYA ni Daddy, nagtungo ako sa silid kung saan ko huling naiwan ang BIBLIYA at mga gamit ko...Tinignan ko sa dalawang gilid ng pisara: WALA.. Sunod ay dumirecho ako ng D.O. tinanong ko sa officer kung me nag-turn-in ng BIBLE na kulay ay violet na may Masking tape sa magkabilang dulo o edges nito. Pinatingin sa'kin ang lahat ng mga bible na tinurn-in noong araw na iyon..: WALA.. Sunod na ginawa ko, tinanong ko ung janitor kung me nakita silang bibliya, andun daw sa D.O. lahat ng tinurn-in nilang bibliya, in other words, WALA pa din... Sa sobrang ka-desperado ko, dumerecho ako ng chapel sa tapat ng library upang magdasal na muling makita ang bibliya, at ibalik sakin ng nakakuha..

Mag-iisang linggo na at hindi ko pa din nakukuha/nakikita ang BIBLIYA ni Daddy... Mangiyak-ngiyak na ko... Hanggang ngayon, na hindi ko pa rin nakikita ito, sobrang takut, lungkot at kaba ang nadarama ko... Ayokong mawala ang tiwala ng tatay ko sakin.. Nagpakahirap akong maibalik iyon noon, at ngayon, mawawala lang ba ito ng parang bula ng dahil sa kagagawan ko!?!?!

Ayoko na ata...

Araw-araw ko paring hahanapin ang Bibliya ni Daddy, at maghahanap narin ako ng katulad nito sa mga bookstores... mapa-National Bookstore, Goodwill, St. Paul's o kahit na ano pa iyan.. Papalitan ko ito, maski mahal pa (kaya nga ko nag-iipon na ngayon eh..), mabalik lang ang tiwalang sa palagay kong mawawala lang ng parang bula...

1 Comments:

At 4:25 PM, Blogger Niko Batallones said...

Try mo sa LSPO. :)

 

Post a Comment

<< Home