Wednesday, March 01, 2006

TAMA NA, NAKAKASAKAL NA!!!

Ewan ko ba..

Hindi naman sa ayaw kong makasama ang grupong sinasamahan ko ngayon sa aking eskwelahan, kaya lang, para kasing nakakasakal na sila eh.. Hindi ko naman sila masisisi kung ganun ang tingin nila sakin--ung palaging alis ng alis, ang daming excuses, ayaw sumama, KJ... Hindi pa naman kasi nila ko lubusang kilala. Oo nga't may isang nagsasabi sa kanilang kilala ako pero ang totoo'y hindi naman.. Ang mga masasabi ko lang na nakakakilala sa akin ay ang malupet kong kaibigan na alam kung napipikon na ko kahit patuloy pa rin akong tumatawa, alam kung me problema ako, alam akong basahin kumbaga...

Ever since naman nung highschool eh, ganoon ako, yung tipong ayaw nasasakal--ayaw pumirmi sa isang grupo lang... May grupo din ako sa highschool at itong grupong ito sa aking palagay eh masasabi kong kilalang-kilala na talaga ako... Siguro dahil sa sobrang tagal na naming magkakakilala na simula pa noong elementary ay naging magkakaibigan na kami... Anyways, itong tropa kong to eh mahilig sa mga OPEN FORUM... kaya nagsabi sila sakin ng mga hinanakit nila na hindi na nila ko makita o makasama sa tropa.. sa iba na daw ako sumasama... Since, kilala ko na rin sila at panatag na totally ang loob ko sa kanila, nasabi ko na hindi ako sanay na sa inyo lang sumasama, "u must understand na i also need to bond with other people besides you.." at kahit hindi ko na banggitin pa ang mga salitang "nasasakal na ko" bakas na sa mga muka nila ang mga pag-iintindi na kailangan ko ng kaunting espasyo mula sa kanila... Alam nilang para sakin sila ang mga matatalik kong kaibigan, kahit na minsa'y sumasama ako sa ibang grupo...

Pero sa sitwasyon ko ngayon, ang hirap... Nakakainis na kasi!! kung saan ako pumunta andun din ung isa.. Kailangan palagi kaming magkasabay kung san-san... na talaga namang nakakasakal na... Sinasabi niyang kilala niya ko, ngunit hindi naman talaga, dahil kung kilala na nga niya talaga ko, mararamdaman niya na kailangan ko ng espasyo mula sa kanya, dahil sobrang sakal na sakal na ko sa kanya!!! Hindi naman ako galit sa kanya or something, it's just that TAMA NA, NAKAKASAKAL KA NA!!!!

Sinabi ko ito sa matalik kong kaibigan, si Marj, kagabi pagkatapos magsimba, naiintindihan niya ko..Dahil nga siguro hindi ko pa "gamay" ang grupong sinasamahan ko partikular na ung taong palagi kong kasama... Alam niya ring hindi ako sanay na nakapirmi lang sa isang lugar kasama ang mga taong madalas o araw-araw o bawat araw/sandali ay kasama ko... NAKAKASAKAL Lang talaga...

Hinihingi ko lang naman ay konting espasyo, mula sa inyo... Gusto ko na kahit minsan makapag-isa ako o humanap ng ibang kasama... Hindi naman sa ayaw ko na sa grupo natin, gusto ko talagang kasama kayo!!! Pero sana naman hindi BAWAT SANDALI... Sana maintindihan niyo ako.. As much as I wanna be with you guys, I also need some space for myself....

2 Comments:

At 11:49 PM, Blogger Niko Batallones said...

Hala. Eto na nga.

Ano ba naman yan, Marcia? Baka naman sa susunod... haaaaaaay.

Wala akong comment. Baka makasakit pa eh.

 
At 1:07 AM, Blogger My Pink Office said...

i can understand what ur trying to say, but i cant completely get how it came about. . . hope u can talk to me sumtym. =)

democratic ang bansa natin. we are all free! =P

 

Post a Comment

<< Home