Monday, June 26, 2006

Mahal, kaya mo pa ba? (FILDLAR#2)

Sisimulan ko ang aking blog entry na ito sa isang liriko ng kanta...

Para Sa Masa
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa

naaalala nito pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya?


ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo

la la la la la la la la. . . . .
.


pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang umama

ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera

sa lahat ng masahuwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto


Bakit ko nga ba ito na-ipost? Mababaw at Sensitibo man kung ako'y inyong huhusgahan...napaiyak ako ng kantang ito nang una ko itong marinig sa radyo... Bakit? aba, ewan basta tungkol sa ating bansa--sa mga problemang kinahaharap nito ngayon, sa mga hirap na dinaranas niya, at sa kung ano pang mga hagupit na kanyang natatanggap--nasasaktan ako para sa kanya...

Araw-araw napakarami niyang kinakaharap na problema! Na minsa'y naiisip ko kung siya'y buhay lamang, ay marahil pagod na pagod na siya sa araw-araw na walang pagbabago. Hindi ko kaya nang magsalita, o magsulat, kung kaya't sa tula ko na lang idinaan ang aking mga hinanakit, saloobin tungkol sa ideyang iyan...

Mahal, kaya mo pa ba?

Mga paratang na ibinintang sa iyo,
Mga parusang iginawad sa iyo,
Mahal, kaya mo pa ba?

Mga hirap na iyong dinanas,
Pinilit kong humanap ng lunas,
Mahal, kaya mo pa ba?

Mahirap na kalagayan,
Iyong naranasan,
Mahal, kaya mo pa ba?

Iiyak mo na lamang
Kung wala ng paraan
O aking Mahal, kaya mo pa ba?

Pilit kitang inililigtas
Ngunit para sa kanila'y wala raw ito sa landas
Ako'y nag-iisa lamang
At wala pang kapangyarihan
Patawarin mo ako, mahal kong Pilipinas,
Kung ika'y hindi ko mailigtas....




2 Comments:

At 11:54 AM, Anonymous Anonymous said...

Very cool design! Useful information. Go on! 1968 oldsmobile 442 for sale Gmc 2500hd 4x4 truck acessories Scottsdale laser hair removal What is a shepherds job Provigil affects White goodman milkshake dance

 
At 11:40 AM, Anonymous Anonymous said...

Di ka nag-iisa.

 

Post a Comment

<< Home