Pinagpasapasahang Responsabilidad (FILDLAR#1)
"Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan", ayon sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sino nga bang hindi pa nakakarinig ng mga katagang iyon? Malamang tayong lahat. Musmos pa lamang tayo, iminulat na sa atin ang mga katagang iyan--mapa sa eskwelahan, sa telebisyon, sa pahayagan at mismo sa ating mga magulang at kaanak. Maraming sumasang-ayon sa pahayag ni Rizal na yan, ngunit sa ilang panahon at henerasyon na ang nakalipas, aakma pa ba sa atin ang pahayag na iyan?
Aba! Ewan ko na lang ha.. Kailan pa ba sinabi ni Rizal ang mga pahayag na iyon? Aba! Eh hindi ba't sobrang tagal na?! Hindi ko na nga maalala ang eksaktong petsa eh, at pusta ko, hindi rin matandaan ng ating mga magulang o mga lolo't lola. Basta, alam nilang ang nagsabi noon si Rizal.
Nakakairita nga lang isipin na sa sobrang tagal na ng sinabi ni Rizal, wala paring tunay na nakakaintindi nito. Ewan ko sa inyo, pero hindi ba kayo nagtataka na sa tagal nang patay si Rizal eh buhay pa ang mga ninuno natin (alam na nila ang mga katagang ito), ni hindi man lamang sila kumilos at maging "totoong" PAG-ASA ng bayan. Sa aking palagay kasi, lolo't lola ko at lolo't lola mo eh mga teenagers pa noong mga panahong iyon, o kahit pa siguro lolo ng lolo ng lolo ko... Ah ewan.. Tila kasi pinalipas lamang nila ang oras ng kanilang kabataan gayung alam naman nilang "SILA" ang pag-asa ng bayan! Tila walang katapusang pinapasa lamang nila ang kanilang "responsibilidad" sa mga susunod na henerasyon sa kanila. TAMA ba o TAMA? Kayo na bahalang sumagot, sinabi ko lamang ang aking punto...
Wala na kasing kumikilos eh, lahat ay tipong ipinapasa ang naturang "responsibilidad" sa mga anak ng anak ng anak.... sa susunod na henerasyon, gayung mga naging KABATAAN din naman sila.. at hindi rin nila ito nagampanan...
Wala paring tunay na nakakaintindi at isinasakatuparan ang mga pahayag ng ating pambansang bayani. Kailan pa nga ba magkakaroon ng pag-asa ang ating bayan kung ilang henerasyon na ang nakalipas at lalu pang lumalala ang sitwasyon ng ating bansa?!