Monday, March 13, 2006

BASURA ka lang...

Ewan ko... pero parang ata lumala ang pagtrato nila sakin..o baka nagiging hysterical lang ako dahil alam kong sobra na sila...Ay, bahala na... Ewan ko, alam kong alam naman nilang binabasa nila toh eh, pero siguro hindi iyon sapat para makuha ung respeto nila sakin... BASTUSAN na kasi ung nangyayari... Parang ngang basura lang ako kung i-trato nila... HARSH kung HARSH, pero ilagay niyo nga ang sarili niyo sa posisyon ko?! ung tipong, nagsasalita ka, bigla kang babarahin (and to think, ako lang ang ginaganyan nila!!), nagsasalita ka, walang nakikinig, tatanungin ka tapos eto ka't sasagot ng maayos, babarahin ka pa rin, kakausapin mo ng maayos, ayun at nakabusangot ang muka sa pagsagot--parang nagalit at nagtatanong ka pa... eh samantalang kinakamusta mo lang naman... Sige, nga, ano mararamdaman niyo? eh diba PUTANG-INA lang naman?!?!?!

Ewan!! KAINIS kasi eh.. parang ang baba ng tingin nila sakin.. para bang, napaka-bobo kong tao!! Katulad na lang kahapon, magsasalita sana ko, bigla akong binara--puros mali raw ung sinasabi ko..."wag un, wag un!! basta walang ganon!!"... sasabihin joke,, pero kitang-kita mo naman sa bahid ng muka na halatang sinasadyang manabla.. PINIGIL KO na nga lang ung pagkapikon eh.. kasi usually ayoko ng binabara ko! ako ang nambabara.. pero ngayon, baligtad na ata mundo..

Me tanong lang ako sa inyo?

MASAMA ba kong tao?
Oo na masamang manlait!! PERO SOBRANG MASAMA na ba ko?!?! May nasaktan na ba kong mga tao? as in ung sobrang nakaapekto sa pagkatao niya? kaya ako ginaganito?! Sa palagay ko naman wala eh.. alam ko naman ung mga limitations ko sa mga ganun... Kasi ngayon, parang nde na nila ko kinoconsider as a PERSON.. bilang tao! ayun nga sinabi ko nga diba? parang BASURA na lang kung itrato ako.. RESPETO lang bilang isang tao ung hinihingi ko, pero instead na iyon, BASTUSAN pa ang nangyayari... well, ala na ko magagawa coz i'm just some TRASH!!!

Alam niyo bang hindi naman ako ginaganito noon eh.. Dati kahit papano, bilib pa ko sa sarili ko! na kaya kong gawin yan, kaya kong gawin toh... Eh sa ngayon, parang niloloko ko na lang ung sarili ko na may kakayahan akong gumawa ng mga bagay... Ngayon, parang lahat ng gawin ko mali eh, parang wala na nga atang tama.. Pero I'm sure ung desisyon ko ngayun? TAMA un.. ung umiwas muna--magli-low muna sa grupong iyon.. Tama ba naman kasing ibaba ang tingin ko sa sarili ko.. kumbaga mawala ung *confidence* ko sa sarili... Oo na, hindi ako magaling magsulat tulad ni Clarence, magaling magsalita tulad ni Ariane, magaling mag-design-design tulad ni Martin, o kaya maging artistic tulad ni Kizia o magaling dumiskarte tulad ni Janna!!! Sa araw-araw niyo ba namang ipakita sakin eh,, MALAMANG ALAM KO NA!!! Pero sana wag niyo nang ipamuka!! wag niyo nang ipandikdikan sa muka ko na wala akong alam!!! BOBO na kung BOBO, hindi kasi ako kasing tatalino at gagaling ninyo eh..!! PASENSYA NA!! ALAM KONG HINDI KO NAMAN KAYO MAPAPASAYANG LAHAT!! o kahit kailan!! Tao lang.. ay mali.. "BASURA" Lang... Ewan ko sa ngayon, ala kong pakialam kung sino pa ang magbasa nito...makasakit man o hindi.. WALA... buhos mo lang, nang ibuhos marcia..

Kung kakausapin niyo ko, WALA kayong makukuha sakin.. Dahil aalis lang ako at hindi kayo kakausapin tungkol sa bagay na yan.. Hindi ako ung tipo ng taong basta-basta na lang nagsasalita at nagbubuhos ng damdamin at sinasabi ung sama ng loob niya sa ibang tao..! Ano ba magagawa ko, e basura lang naman talaga kung itrato niyo ko eh.. Mas matatanggap ko pang magsulat sa kahit anong papel at dun ibuhos ung mga sama ng loob ko kesa sa kausapin niyo ko.. Kaya nga siguro dito ko na ibubuhos sa blog na ito..


Alam niyo, mas mabuti pa atang maging "LONER" kesa sa ganito eh.. Napakahirap.. At least, pag "LONER" kahit papano may natitira pang *CONFIDENCE* sa sarili mo... Eh sa ganito, akala ko masaya ko, eh "masaya" nga ba talaga ko?! Masaya ba na ginaganito ko?! ewan.. malamang hindi.. I'd prefer being a loner than to be with some people who degrade and pull me down...So, Henrik, it's not so bad being a "LONER" after all.. and SORRY..

MGA TOL.. marj, emkhey, eka, diana, joy, grae, rex, jes, berto, jheimie, karen..at kung sinu-sino pa kung me nakalimutan ako--kilala niyo na sarili niyo...MARAMING SALAMAT...sa paniniwala ninyo sakin... Lalo ka na erika, hindi mo lang alam, pero mahalaga ka sakin!! Kahit nagkaroon na ng "lamat" sating dalawa dahil kay JES, eh.. anjan ka parin, naniniwala sa kakayahan ko.. JES, kahit may kaunting ilangan na nangyayari satin, tinuring mo pa rin akong kaibigan, at dahil jan, lalo pa kitang mamahalin..joke.. mahal pa rin kita and NO REGRETS.. GRAE, napatunayan kong totoo kang kaibigan.. SALAMAT... AS FOR THE REMAINING guys and girlss.. i know you're always there whenever I need a shoulder to cry on.. And for that I thank you!!! You've all been good to me... and GUYS, I MISS YOU SO MUCH and right now, emkhey, I NEED YOU!!!!

3 Comments:

At 6:49 PM, Blogger Niko Batallones said...

Mahaba-haba tong comment na to, Marcia, kaysa naman isulat ko to lahat sa blog ko't magmukhang pakialamero.

Naramdaman ko din yan eh, admittedly. Mukha kang off, so to speak, sa kanila. Pero at least you still got to get along with them kahit anong mangyari. And I admire you for that. (Naks!)

Pero tatanungin ko lang sa'yo. Nakasisiguro ka bang ganyan talaga ang iniisip nila?

Oo na't baka merong mga ego na nasasaktan kaya ka nila binabara. Siguro lang. Kung tama ang intindi ko, eto ang masasabi ko: at least hindi ka insecure sa sarili mo. Di ba? You had the courage to keep it all in, and the courage to actually stand up and say all this.

Hindi ko naman masasabi na loner ka. Kahit papano naman, may kasama ka naman sa school minsan, and you can flip it around and say "I prefer to do different things." Besides, maybe loner ka dito pero sa mga high school friends mo...

Hindi ko alam kung sa akin ka nag-sosorry (wait - hindi pala sa akin, never mind) - but one thing lang Marcia, at sana makatulong: special tayong lahat in our own way. Kung sa tingin mo hindi nila matanggap, then so be it.

Marcia, ikaw lang nag-iisip na mas mababa ka sa kanila. What you're doing right now - can they do that?

Sa ibang party animals na nagbabasa nito, wala akong kinakampihan. Ayoko ng away. Hindi ako nakikialam. :)

 
At 10:33 PM, Blogger My Pink Office said...

marcia hindi ko alam kung bakit mo iniisip na binabasura ka lang namin. hindi ko lubos maisip..

onga at may kanya-kanyang talents and abilities tayo, and that includes YOU. ur a very gifted individual and we acknowledge that. db nga ur also a writer and THE activist who fights 4 what u beliv in? so how can u say na bobo ka sa paningin namen?

we never thought of you as somebody na nasa baba.. masakit isipin na ganyan ang tingin mo samin... ouch.(hehe)sinasabi mong hindi ka namin kilala, pero from the looks of it, mukang ikaw ang hindi nakakakilala sa amin. . .

hindi nmn kami mga masasamang tao. at kung ganon ang tingin mo samen, edi parang ikaw pala ang tunay na mababa ang tingin sa iba..

pahabol: i hav this feeling na isang tao lang naman talaga ang focus ng lahat ng angst mo. kaya if ever, wag mo nmn kaming lahatin dahil wala kaming ginagawang masama sayo. . .

and it hurts to think na dito pa tayo nag-uusap.. kung sakaling naging iyakin ako, baka naiyak nako. hehe.. jwk.

seryoso ako.

 
At 3:17 AM, Blogger Clarence said...

nakakagulat naman ang mga comments..ang hahaba. akala mo, sa candy mag[n_n]..

pero marcia tama sila. naiintindihan ko naman yan kasi minsan, aminado ako, may mali rin kami. baka nga hindi ka lang sanay sa mga nagagawa namin sayo, hindi ka sanay nang nababra, pero aminado ako minsan, sobra na. pero hindi naman namin sinasadya yun or whatsoever.

nakakainis nga lang din isipin na parang plastic nating lahat kasi dito lang ang means of communication tungkol sa bagay na to. pero kaht ganun man, naiintndhan din kita. writer tayo e.hehe.

saka hindi talaga namin sinasadya. sorry tlaga kung meron man akong kachuvahan jan sa loob mo. ganyan din ako dati na naghahanap ng comfort ng high school friends, pero believe me, hindi na mababalik yun.

[ay hndi kosinasabing na-stuck ka na samin forever! im just saying na namimis ko din sila but they're OUT OF REACH]...

 

Post a Comment

<< Home