Thursday, June 29, 2006

my rating

This Is My Life, Rated
Life:
6.6
Mind:
6.2
Body:
6.8
Spirit:
9.2
Friends/Family:
5
Love:
3.8
Finance:
5.2
Take the Rate My Life Quiz

Apparently, that's my life... a very spiritual person... ... what the heck... its just for some entertainment in my life... haha *sarcasm*

tawagin mo kong kaibigan

Sa isang saglit lamang

Maaari mo bang kalimutang mahal kita?

Pwede ba?!

Isang maikling saglit lang ang aking hinihinging pabor...

Maari bang kalimutan mo nang lahat ang aking mga sinabi tungkol sa aking nararamdaman para sayo?

Masyadong nagiging komplikado eh...

Hayaan mo naman sana ako maging kaibigan mo... isang malapit na kaibigan... kung hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal ko sayo...

Pwede ba?

---------------------------------------------------------

Buhay nga naman o... napakahirap... lalo na pag nagmamahal... Kaasar kasi... Alam ko namang wala akong pag-asa... as in totally wala... PERO eto't umaasa---nagpapakabaliw, nagpapakahilo na balang araw e makita niya ako na andito lang palagi--palagi para sa kanya---BILANG KAIBIGAN! Malay ba natin diba? Sa future, who knows, if the one he'll end up with is me... naks... pero as of now... I know that I am still nothing to him...

Although sabi niya--"...Hindi ka basura...kaibigan kita... Naappreciate ko lahat ng mga nagagawa mo para sakin..".. Diba? pero as the saying goes, "action speaks louder than words".. hindi ko nafeefeel ung pagiging kaibigan ko sa kanya... Oo nga't ako ang lumalayo dahil naiilang ako... pero ako na rin mismo nakakaramdam na ILANG siya sakin... magkailangan na nga!! BAHALA NA SA FUTURE!!

Pero kung kakalimutan niya lang iyon ng isang sandali...At ako, na kahit papano'y nakaka-move-on na sa aking buhay.. at totally na tanggap na wala na siya talaga...(though, There's still the slightest, very little hope in the future!!)am willing to be a FRIEND... some bestfriend...!!

sana lang...:(

Monday, June 26, 2006

Mahal, kaya mo pa ba? (FILDLAR#2)

Sisimulan ko ang aking blog entry na ito sa isang liriko ng kanta...

Para Sa Masa
ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa

naaalala nito pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya?


ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo

la la la la la la la la. . . . .
.


pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang umama

ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera

sa lahat ng masahuwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto


Bakit ko nga ba ito na-ipost? Mababaw at Sensitibo man kung ako'y inyong huhusgahan...napaiyak ako ng kantang ito nang una ko itong marinig sa radyo... Bakit? aba, ewan basta tungkol sa ating bansa--sa mga problemang kinahaharap nito ngayon, sa mga hirap na dinaranas niya, at sa kung ano pang mga hagupit na kanyang natatanggap--nasasaktan ako para sa kanya...

Araw-araw napakarami niyang kinakaharap na problema! Na minsa'y naiisip ko kung siya'y buhay lamang, ay marahil pagod na pagod na siya sa araw-araw na walang pagbabago. Hindi ko kaya nang magsalita, o magsulat, kung kaya't sa tula ko na lang idinaan ang aking mga hinanakit, saloobin tungkol sa ideyang iyan...

Mahal, kaya mo pa ba?

Mga paratang na ibinintang sa iyo,
Mga parusang iginawad sa iyo,
Mahal, kaya mo pa ba?

Mga hirap na iyong dinanas,
Pinilit kong humanap ng lunas,
Mahal, kaya mo pa ba?

Mahirap na kalagayan,
Iyong naranasan,
Mahal, kaya mo pa ba?

Iiyak mo na lamang
Kung wala ng paraan
O aking Mahal, kaya mo pa ba?

Pilit kitang inililigtas
Ngunit para sa kanila'y wala raw ito sa landas
Ako'y nag-iisa lamang
At wala pang kapangyarihan
Patawarin mo ako, mahal kong Pilipinas,
Kung ika'y hindi ko mailigtas....




Pinagpasapasahang Responsabilidad (FILDLAR#1)

"Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan", ayon sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Sino nga bang hindi pa nakakarinig ng mga katagang iyon? Malamang tayong lahat. Musmos pa lamang tayo, iminulat na sa atin ang mga katagang iyan--mapa sa eskwelahan, sa telebisyon, sa pahayagan at mismo sa ating mga magulang at kaanak. Maraming sumasang-ayon sa pahayag ni Rizal na yan, ngunit sa ilang panahon at henerasyon na ang nakalipas, aakma pa ba sa atin ang pahayag na iyan?

Aba! Ewan ko na lang ha.. Kailan pa ba sinabi ni Rizal ang mga pahayag na iyon? Aba! Eh hindi ba't sobrang tagal na?! Hindi ko na nga maalala ang eksaktong petsa eh, at pusta ko, hindi rin matandaan ng ating mga magulang o mga lolo't lola. Basta, alam nilang ang nagsabi noon si Rizal.

Nakakairita nga lang isipin na sa sobrang tagal na ng sinabi ni Rizal, wala paring tunay na nakakaintindi nito. Ewan ko sa inyo, pero hindi ba kayo nagtataka na sa tagal nang patay si Rizal eh buhay pa ang mga ninuno natin (alam na nila ang mga katagang ito), ni hindi man lamang sila kumilos at maging "totoong" PAG-ASA ng bayan. Sa aking palagay kasi, lolo't lola ko at lolo't lola mo eh mga teenagers pa noong mga panahong iyon, o kahit pa siguro lolo ng lolo ng lolo ko... Ah ewan.. Tila kasi pinalipas lamang nila ang oras ng kanilang kabataan gayung alam naman nilang "SILA" ang pag-asa ng bayan! Tila walang katapusang pinapasa lamang nila ang kanilang "responsibilidad" sa mga susunod na henerasyon sa kanila. TAMA ba o TAMA? Kayo na bahalang sumagot, sinabi ko lamang ang aking punto...

Wala na kasing kumikilos eh, lahat ay tipong ipinapasa ang naturang "responsibilidad" sa mga anak ng anak ng anak.... sa susunod na henerasyon, gayung mga naging KABATAAN din naman sila.. at hindi rin nila ito nagampanan...

Wala paring tunay na nakakaintindi at isinasakatuparan ang mga pahayag ng ating pambansang bayani. Kailan pa nga ba magkakaroon ng pag-asa ang ating bayan kung ilang henerasyon na ang nakalipas at lalu pang lumalala ang sitwasyon ng ating bansa?!

Monday, June 19, 2006

Who's this girl?


I have a question for you guys...


Who is this girl calling on her fone and holding a plastic bag?


....

Comment me on this one!!!

haha..

Monday, June 12, 2006

Frequently Asked Questions

As a toddler, I wondered so many things.
I asked so many questions--like "bakit may lumalabas na hangin sa tabo pag nilulubog mo sa timba?" or "bakit parang invisible ung daliri ko pag tinapat ko ito sa isa kong mata?"...

Yes, objective questions, of which I gradually learned how to answer...

But now, as I grow older and become deep...
I often ask myself "why some people are just plain numb?!" or "why is there a need to lie?" or "Why do some people just don't get 'IT'?!"

or

"Paano mo tutulungan ang isang taong, ayaw naman tulungan ang sarili niya?"


Yes, just like the saying, "Paano mo hahanapin ang taong ayaw naman magpahanap sayo?"... But it just strucked my mind i don't know just three days ago or maybe two thinking about my "serious", "matter-of-life-and-death" situation.

Pano kung isang miyembro ng pamilya niyo e onti na lang ang nalalabing panahon sa mundo? (Believe me, it's really hard for me to write this, but I gotta let it out somehow...) Tapos ung taong iyon, imbes na gumawa ng paraan upang gumaling, e tila tinatanggap na lang ang problemang dumating--meaning, walang ginagawa...?

I mean, I've been praying so hard... really, really hard... I go to the chapel once I arrive in school just to pray... and sometimes, I wonder, "will God answer my prayers, if that person isn't doing anything?"... I know its bad to doubt God...but I'm not doubting--I'm wondering...Because I know that what God wants for us is to be happy and taking that very special person from me will of course make me "miserable" I know....






















Please, pray for my Dad...I just love him soooo much....

Thursday, June 08, 2006

beneath the surface.

Deep thoughts rummaged in my head...
The What ifs?
The What will happen next?
The How will it affect me?

crap... it affects me darn so much right now that I cry almost everyday..

But do I cry that much?

Who knows?

I don't even know...

All I know is that this shitty life I'm living right now, i wish, was all a dream... But heck, I'm a down-to-reality kind of person and i really am feeling LOW.. dammet! yes that LOW!!!..

beneath the surface even!!

As of now, I'm officially dead!!!

This whole thing--this,this problem--should I even call it a problem?! What the #*(%j, well, whatever it is, it is pure bull!!!

i know i don't deserve this... we all don't deserve this kind of shit!! And to think that I've been helping others find their way, I can't even help myself to face this whatever the heck it is called..!!!

I just wish that all of "it"--and I mean all of "it" are just some crazy test GOD wants us to take... And I'm sure that whatever test it is, I'm sure that we'll pass that and that GOD won't take someone or something very important and special to me... and my family!

Monday, June 05, 2006

CLUEs:...

to sino na ang aking crush!!!...

  1. S W I T Z E R L A N D!!!
  2. mine...

wala yan pa lang ung naiisip kong clue... pag binigay ko na ung iba, kilala niyo na eh... tsaka hmm... basta once you get the logic of my clues---ul know who he is na....

I'm Coming.... Yuchee!

My first time was great!!

what an exhilirating experience!!

the adrenaline!!

What does this add up to?:
1. instant 3 in 1 coffee bought at the Miguel Canteen.
2. Chicken Tenders with French Dressing bought at the SPS Canteen for LUNCH and DINNER.
3. red iced tea (tastes like apple iced tea..)
4. and mentos???

the answer is obvious--those first two are already a bad combination for the TUMMY!! oh mah GOD!!.. I bought number 1 during my class in BIOARTS and just hid it from my PROF.--miss Go. then we had an hour break or so... automatically, the panimal's feet brought us to SPS canteen where we all--except ariane--bought chicken tenders with french dressing and red iced tea...

mah goodness! during PHILPER--which is just a while ago... my tummy began to rumble!! tsktsktsk... I was sweating and fidgeting and #$!@%#!! just when I couldn't take it anymore, I went out straight to YUCHENGCO BUILDING!! where the comfort rooms have vdei?! whatever the spelling is!! and let all my frustrations free!! I released them.. well, not all... but whew!! was the first time great!!

what an exhilirating experience!! the adrenaline!!

Even with the pain and the rush of blood thru my veins... (ano toh kanta?!)

it's really worth it.!!